Romblon State University Science High School
<img src="http://i85.servimg.com/u/f85/13/85/55/98/loginp10.gif">

TWENTY QUESTIONS

View previous topic View next topic Go down

TWENTY QUESTIONS

Post  Clinton on Thu Mar 11, 2010 9:38 am

Ni Juan EkisMGA TAUHAN

Jigs – Fresh grad. Kabarkada ni
Yumi.Magtatrabaho bilang
researcher sa isang financial firm

Yumi
– Commercial Model. Kabarkada ni Jigs. 2 years ahead
kay Jigs.

TAGPO

Gabi.
Sa isang kwarto ng isang beach resort.

Naglalatag ng kumot si
Jigs sa sahig habang inaayos
ni Yumi ang kanyang higaan.

YUMI
Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man.
Naaawa ako sa? yo e.
Tabi
na tayo sa kama.

JIGS Hindi, okay lang ako dito.

YUMI
Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no.
Malaki naman
itong kama e.

Hatiin na lang natin sa gitna.

JIGS Sure ka?

YUMI
Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?

JIGS (Matatawa) Okay ka
lang?

YUMI Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot
na
divider.

JIGS Good idea.

Isasampay nila ang kumot mula sa
kisame para mahati
ang kama sa gitna. Magsesettle down ang dalawa.
Ilalabas
ni Jigs ang libro niya:
“Puppy Love and other Stories” ni F. Sionil
Jose.

Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music
habang
nagsa-zazen.

YUMI Do you mind?

JIGS No, go ahead. I‘m
just reading.

Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho
silang
di maka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya.

YUMI
I can‘t believe our friends.

JIGS Oo nga e.

YUMI Dapat
ginagawa nila ?to sa mga bagong pasok sa barkada
o kaya sa bagong…ay
oo nga pala. Bagong graduate ka.
Congrats.

JIGS Thanks.

YUMI
So what‘re your plans?

JIGS Kinukuha akong researcher sa ADB.
Kinukuha rin ako ng
BPI sa OTP nila.

YUMI Wow naman. In
demand.

JIGS Di naman masyado. Who the hell invented this
tradition
anyway?

YUMI (Matatawa) You won‘t believe it.

JIGS
Ikaw?

YUMI Malay ko ba na mabibiktima rin ako nito balang-araw.

JIGS
So why did you start it?

YUMI Wala ka pa sa tropa nun e.
Freshman ka pa lang siguro noon.
Wala lang. Napagtripan lang namin si
Ronald. E may crush siya
kay Meg. Noong unang beses magpunta rito ng
barkada, sabi ko,
magsimula kami ng tradition.

Ilo-lottery
namin ang pangalan ng mga lalaki at ng mga babae.
Kung sino ang
mabubunot, silang dalawa ang pagsasamahin
sa isang kwarto sa loob ng
tatlong araw. And then, we‘ll all
see what happens.

Pero
dinaya namin noon yung kay Ronald at Meg. Puro Ronald at
Meg ang mga
pangalan na nakalagay sa lottery.

JIGS (Tatawa) Ang sama ninyo!

YUMI
Kaya nga nakarma na ako e.

JIGS So is our case, dinaya? O
talagang lottery?

YUMI (Teasing) Ano sa dalawa ang gusto mo?

JIGS
Feeling ko may nagtrip sa‘kin sa barkada e.

YUMI Excuse me po,
dalawa tayong biktima dito. I don‘t see
any reason kung bakit tayong
dalawa ang sasadyaing biktima
this year, unless may crush ka sa‘kin
na di ko alam at alam
nila (tatawa).

JIGS Baka ikaw (tatawa).

YUMI
The success rate of this tradition is 100% so far.

JIGS I was
here na the 2nd time. Si Chris at si Cia ang
biktima.

YUMI And
last year were Rod and Kay. They‘re getting married
kailan?

Sa
June yata.

JIGS What do you expect? Ikukulong mo ang isang
lalaki at
isang babae sa isang kwarto for three days, imposibleng
walang
mangyari doon!

YUMI That was exactly my point. (Ngingiti)

JIGS
E kung may madisgrasya?

YUMI Ano‘ng disgrasya?

JIGS Alam
mo na ?yun!

Hahawiin ni Yumi ang divider nilang kumot.

YUMI
Ano? Sex? Pa? no kung magsex sila? Nakakatawa ka
naman. Di mo
masabi.

JIGS Ang alin?

YUMI Ang sex!

JIGS Hah!

YUMI
Sige nga sabihin mo nga?

JIGS Para kang tanga. Tumigil ka nga.

YUMI
Shet, Jigs. Graduate ka na totoy ka pa rin!

JIGS Excuse me?

YUMI
Sabihin mo nga: ? Sex! Sex! Sex! Sex!?

JIGS Para kang bata, Yumi
ha.

YUMI You used to call me ate Yumi when you were in third
year.

JIGS
Well, graduate na po ako, ate Yumi.

Tahimik.

JIGS Hmmm. I
wonder if we‘re gonna last three days.

YUMI (Teasing) Bakit?
Ayaw mo sa‘kin?

Di sasagot si Jigs.

YUMI We‘re gonna
survive this one.

JIGS What makes you so sure?

YUMI No
offense, Jigs. I honestly find you very attractive
pero I‘ve no time
for this. Alam mo naman siguro na kaka‘

JIGS Same here.

YUMI
Same here what? Na you find me attractive o you don‘t
have time for
this? (Matatawa)

Di sasagot si Jigs. Tahimik. Io-on ulit ni Yumi
ang
CD player at ipagpapatuloy ang zazen. Itatabi ni
Jigs ang
libro. Nawalan na siya ng ganang magbasa.
Pupunta siya sa ref.
Bubuksan niya ito.

JIGS Hah! (Sarcastic) Perfect! Red Wine! How
very conducive.

YUMI May chips ba diyan?

JIGS Sa awa ng
Diyos, may tsibog naman.

Papatayin ni Yumi ang CD player. Tatayo
siya at kukuha
ng chips sa ibabaw ng ref.

YUMI Since we‘re
gonna be stuck naman with each other for three
days, might as well
make the best out of it di ba? I-enjoy na
lang natin.

JIGS
What do you mean?

YUMI Get the wine, let’s have a drink! 50 hours
to go na lang
and we‘re gonna be the first failure of this
tradition.

JIGS Oo nga. (Kukunin ang wine. Maglalagay sa dalawang
baso.)

When they chose Cia and Chris, naiintindihan ko pa e.
Lalo
na sina Rod and Kay. Kung baga, tinulungan lang natin
silang
umamin sa isa‘t isa. Pero us…

YUMI Weird ng barkada natin no?

JIGS
To our barkada and our weird traditions!

YUMI To us, the first
failure of this tradition!

Magto-toast sila at iinom.

JIGS
Sige, ate Yumi. Let’s make our stay here more interesting…

YUMI
What’s with the ate?

JIGS Fine…

Bubuksan ni Yumi ang
chips. Uupo sila pareho sa sahig para
magkwentuhan.

JIGS Let’s
play twenty questions.

YUMI Sige! Ano yon?

JIGS Each of
us will have ten questions each. Tatanungin kita,
tatanungin mo ako,
mga gusto nating malaman sa isa‘t isa. Alternate
tayo. Pero the thing
here is, you can‘t ask the question that I
already asked.

YUMI
That’s pretty interesting.

JIGS At bawal magsinungaling.

YUMI
Fair enough. Pero whatever is said inside this room remains in
the
room. Ok?

JIGS Of course. You wanna start?

YUMI No. I want
to ask the last question. (Ngingiti at kikindatan si
Jigs)

JIGS
Smart move. Game. First question: Ano ang greatest frustration mo
sa
buhay?

YUMI Nge. Ang korni naman ng tanong mo. Walang
ka-challenge-challenge.
Ask me something na mag-iisip naman ako.

JIGS
Simula pa lang e.

YUMI Sige. Ano nga ba…?

JIGS Akala ko
ba walang ka-challenge-challenge?

YUMI Wag kang maingay,
nag-iisip ako…I‘m a frustrated ballet dancer.

JIGS Talaga?

YUMI
I took lessons when I was six pero umayaw ako. Wala kasi akong
disiplina
e. Mas gusto kong makipaglaro sa mga kalaro ko. Pero
I really enjoy
watching ballet dancers. When I see them dance
parati kong kaiisip na
sana, ako rin. There! Ang dali naman ng
tanong mo. Walang thrill.

JIGS
Appetizer lang. Yari ka sa‘kin mamaya.

YUMI We‘ll see. Ako
naman: Did you ever have doubts about your
sexuality? I mean, kahit
minsan ba, naisip mo na bakla
ka?

JIGS Never.

YUMI
Bilis ng sagot a.

JIGS Coz I never entertained the idea.

YUMI
Homophobe ka ba?

JIGS Alternate tayo sa tanungan, di ba?

YUMI
So, not once? Kahit konti? Kahit what if lang?

JIGS I‘m
straight, okay?

YUMI I‘m not asking if you‘re gay or not. I‘m
asking
kung…

JIGS Never nga.

YUMI We all thought na you
were gay. Well at least nung
first few months mo sa tropa before you
introduced your
girlfriend to us.

JIGS What?! You thought I
was gay?!

YUMI E pa? no kasi, masyado kang mabait. Ang pogi-pogi
mo,
pero parang allergic ka sa mga babae. Over ang pagiging
gentleman
mo. Too good to be true. You have a good body,
it seems that you work
out pero iniisip namin front mo
lang yun. Kadalasan kasi front ng
mga bakla ang pagiging
maganda ng katawan nila at pagiging sporty…

Tatawa
lang si Jigs.

YUMI So we thought it’s either that or you were
planning to
become a priest.

JIGS What?!

YUMI Well, you
were always this goody-goody person. Pumupunta
ka sa chapel.
Nangungumpisal, nagsisimba…

JIGS The way you said it, parang
equivalent ang dalawa a.

YUMI Of course not. I didn‘t mean that!

JIGS
I take my faith seriously. That doesn‘t make me gay!

YUMI So you
did want to become a priest…

JIGS Hindi rin. Actually, I always
wanted to raise a family…
and be a father.

Tahimik.

YUMI
So you‘re not gay.

JIGS No.

YUMI You never…

JIGS
Ilang beses ka ba ipinanganak? Kulit mo e. It’s
my turn.

YUMI
Homophobe ka no?

JIGS Hindi kaya!

YUMI Whatever…

JIGS
Ako na, daya mo naman e.

YUMI Okay, okay. Shoot me.

JIGS
How do you see yourself five years from now?

YUMI You expect to
win this game? Ang kokorni ng mga
tanong mo e.

JIGS The object
of this game is not to win.

YUMI E ano pa ba?

JIGS To get
to know the other person.

YUMI Sure. Basta ako, I will win this
game. Walang thrill
ang isang game kung walang nananalo.

JIGS
Sagot.

YUMI May time limit ba ?to? (Tatawa) Wine pa nga.

JIGS
Sabi nga nila: in vino veritas.

Magsasalin si Jigs ng wine.

YUMI
Masarap ang wine, ha? Saan kaya nabili ito? (Iinom)
To answer your
question, either maging entrepreneur ako,
magsisimula ako ng sarili
ako nangg botique or bar, o kaya,
magiging artista ako sa pelikula.

JIGS
Not bad.

YUMI Pero mukhang malabo yung stint ko sa movies. Tough
ang
competition e. Saka mahina ang manager ko. Panay hosting at
pictorials
ang nakukuhang raket para sa akin. Papalitan ko
na nga e. Pag
nakaipon ako, baka magtayo na lang ako ng
botique.

JIGS
(Magbibiro) Ayaw mo mag-bold?

YUMI Yuck!

JIGS Lahat ng
gustong mag-artista doon
dumadaan.

YUMI May talent naman ako
kahit papano a!

JIGS Lahat naman ng bold star may talent a! Sa
dibdib!
(Tatawa)

YUMI (Hahampasin ng unan si Jigs) Bastos ka
talaga!
Akala ko goody-goody ka…Hindi ko papatulan ang
pagbobold
kahit ano‘ng mangyari no! Kahit ganito ako,
may respeto pa rin naman
ako sa sarili ko.

JIGS Ganito? Ano? ng ganito?

Di
sasagutin ni Yumi ang tanong.
YUMI These producers think all the
people want is sex,
sex, sex! Kaya puro basura ang mga pelikula e.
Wine
pa nga!

JIGS (Magsasalin ng wine) Bakit naman botique?

YUMI
Hoy madaya ka na ha? Hindi pa ako lasing. Ako
na‘ng magtatanong. Ang
korni mo namang magtanong.
Bigatan naman natin nang konti…Inom ka
muna.

Iinom si Jigs. Magsasalin siya ng bago.

YUMI Who was
your first crush in the barkada?

Tahimik.

YUMI Haha!
Bingo ka no? Bagal mo naman sumagot.

Iinumin ang wine. Magsasalin
ng bago.

JIGS Lalaki o babae?

Tatawa sila pareho.

YUMI
Dapat may time limit ito e.
Tahimik.

JIGS Hirap naman ng
tanong mo.

YUMI Iyon nga ang maganda e. Para may thrill. As if
naman
ibo-broadcast ko sa barkada kung sino.

JIGS Wine pa?

YUMI
Di mo pa sinasagot yung tanong ko, nagtatanong ka na!

Magsasalin
ng wine si Jigs kay Yumi.

JIGS Yung crush ko kasi…siyempre, sino
pa ba? E di yung
pinakamaganda sa barkada.

YUMI Nge.
Subjective yon no! Para sa‘kin ang pinakagwapo
si Joel. Sa babae, si
Kay. Para kay Ronald, si Meg…

JIGS Yung literally na may
dating‘walang tanung-tanong.
Yung kahit sino? ng tanungin mo sa
tropa, objectively,
siya ang isasagot.

YUMI Jigs, twenty
questions ang game natin. Hindi guessing
game. C‘mon man. Play your
own game. Pa‘no na kung truth
or dare to e di pahirapan na.

Dadalawa
na nga lang tayo e.

JIGS Yung commercial model.

Matitigilan
si Yumi.

YUMI Wine pa nga.

Magsasalin si Jigs. Mag-iisip
si Yumi. Iinom.
Biglang matatawa.

YUMI (Tumatawa pa rin)
Talaga?

JIGS Sige, pagtawanan ba?

YUMI You can say it to
my face, I won‘t bite. Bakit hirap
na hirap kang sabihin kung sino?
Takot kang ma-reject?
Parang tanong lang e…Wine pa nga!

JIGS
Okay, 1 point ka na…

YUMI (Ngiti) Gee…thanks. Flattered naman
ako. At kailan
naman nangyari ito?

JIGS Sorry, my turn to ask.
(Ngingiti) Who is your crush
in the barkada…NOW?

YUMI E
ginaya mo lang yung tanong ko e.

JIGS Hinde no. May qualifier
ako. Ang sabi ko, NOW. Ang
tanong mo, first crush ko.

YUMI
Korni pa rin. Alam mo, kung basketball ‘to, tambak
ka na.

JIGS
Just answer the question.

YUMI Siyempre wala. I told you, I
don‘t have time for
these stuff. Kakabreak ko lang di ba?

JIGS
Korni mo namang sumagot.

YUMI E korni yung tanong e. Pero kung
talagang-talagang
kailangan kong sumagot…hmmm…teka…sino nga ba?
Sino
ba‘ng crush material sa barkada?

Wala akong maisip e. Ikaw na
lang.

JIGS Yung seryoso naman.

YUMI Seryoso ako. Ayaw mo
yata e. Sige, iba na lang…

JIGS E napipilitan ka lang e.

YUMI
Uy! Pa‘no ba ‘yan? MU na tayo? Crush mo ko, crush
kita…yiheee

(Tatawa).

JIGS
Dati pa ‘yon no!

YUMI Ay? Di mo na ko crush? Bakit, na turn-off
ka? Ano
namang ginawa ko?
Tsk. Tsk.

JIGS Is that your
question na?

YUMI Oy, hinde! Ito naman…di ba pwedeng
mag-follow-up?

Iinom ng wine si Jigs.

YUMI Fine. Here’s a
little juicy question:
Describe your first kiss.

JIGS That’s
not even a question.

YUMI Arte mo. O: How was your first kiss
like?

Matatawa si Jigs.

JIGS Wet.

YUMI Yuck!

Magtatawanan
sila.

JIGS Alam mo, aksidente yung first kiss ko. Close kasi
kami
nung isa kong kaibigan. Pag naggu-goodbye ako sa
kanya, parati ko
siyang kini-kiss sa noo.

E one time, sa gym habang nagpapahinga,
nakaupo siya
sa sahig. Tinatamad siyang tumayo. So bumaba ako
nang
konti para halikan siya sa noo kasi pauwi na ako.
E siya naman, para
maabot ko, medyo tumingala. E sakto,
sa lips ko siya nahalikan.
Pareho kaming nagulat.

Pero di pa kami naghiwalay agad. Weird nga
ang
feeling e. Parang may glue. Ayaw na namin maghiwalay
pareho…

Tawa
pa rin si Yumi

YUMI Awww. Ang sweet naman. Parang sa pelikula.
Si
Krissy ba to?

JIGS Hindi. Hindi mo siya kilala.

YUMI
So what happened? Nagkatuluyan kayo?

JIGS Nope.

YUMI Ha?

JIGS
Ewan ko ba. Complicated kasi yung situation namin
e. May boyfriend
siya noon. Ako naman, takot pa sa
isang relationship. Pero at least,
na-discover namin
na pareho pala kaming may gusto sa isa‘t isa. Pero
hanggang
doon na lang.

YUMI What happened after?

JIGS We talked
about it. We both decided na it wont work.
Tapos, bigla na lang,
hindi na kami nagkikita. And then,
I met you guys, iba na ang barkada
ko.

YUMI Nakakatuwa naman.

JIGS Ikaw, pa? no yung first
kiss mo?

YUMI Ikaw ang nagturo sa akin ng game na ito di ba?
Bakit
ba lagi mong bini-break ang rules? Di mo na pwedeng
tanungin
‘yan!

JIGS Tine-testing ko lang kung lasing ka na. (Iinom
ng
wine) Okay, naka-warm-up na ako: What was the
naughtiest thing you
ever did?

YUMI ‘Yan ang mga tanong! Ano ba‘ng ibig mong sabihin
ng
naughty?

JIGS Bahala kang mag-define.

YUMI Hmmm…marami
e…(matatawa) baka maeskandalo ka.

JIGS Kanina ayaw mo ng korni.
Ngayong medyo exciting
naman…

YUMI Eto na…I had two boyfriends
at the same time.

JIGS (Nagulat) Hala.

YUMI I was with
Joel and Zach at the same time.

JIGS Yikes. Alam ba ni Joel?

YUMI
Kaya nga kami naghiwalay nun e. Nahuli ako
(matatawa).

JIGS
Ano namang pumasok sa kukote mo‘t ginawa mo
‘yon, aber?

YUMI
Nag-eexperiment lang ako. E sa type ko sila
pareho e. Ano‘ng magagawa
ko? Saka para may thrill.
Alam mo ‘yon? Yung patago kang
nakikipag-date sa
isa para di mahuli. Everyday pa akong nakakalibre,
kasi,
alternate sila!

(Tatawa) Akala n‘yo kayo lang mga lalaki ang
pwedeng
gumawa no‘n?

JIGS How can you love two guys at the
same time?

YUMI Who said something about love? Walang kinalaman
ang
love dun. I was…having fun!

JIGS Nainlove ka na ba, ever?

YUMI
Nakakailang tanong ka na? It’s my turn.

JIGS Don‘t you want to
answer the question anyway?

YUMI My turn!

JIGS Kulang ka
pa sa wine. (Tatawa)

Ubos na ang unang wine bottle. Kukuha si
Jigs
ng isa pa sa ref.

JIGS Ang bilis nating uminom a.

YUMI
Are you still a virgin?

JIGS Whoa! Where did that come from?

YUMI
That’s my fourth question.

JIGS (Magsasalin ng wine sa mga
baso). Ano sa tingin mo?

Ngingiti si Jigs. Tititigan lang siya ni
Yumi.

YUMI Don‘t tell me, wala pang nangyayari sa inyo ni
Krissy
hanggang ngayon? Ilang taon na ba kayo?

JIGS Mag-tu-two years na
sana next week.

YUMI So virgin ka pa? I don‘t believe it!

JIGS
Mukha ba akong tarantado?

YUMI Mukha kang nagpapaiyak ng babae
e.

JIGS Insulto ba ‘yon?

YUMI Compliment ‘yon, tanga.

JIGS
Ah, okay. Thanks.

YUMI Pero, you mean, you never felt the urge
to do it?

JIGS Alin? Sex?

YUMI Wow! Nasabi rin niya!

JIGS
Of course I always feel it. Natural lang ‘yon sa
tao no? Nasa iyo na
lang ‘yan kung ano? ng gagawin mo
sa urge na ‘yon.

YUMI E
natural naman pala e. Bakit mo pinipigilan? I mean,
pag naiihi ka,
iihi ka. Pag nagugutom ka, kakain ka.
Pareho lang ‘yon, di ba?

JIGS
Pag naiihi ka, iihi ka dahil kailangan mong umihi.
At hindi ka iihi
kahit saan. Pupunta ka sa banyo. Pag
nagugutom ka, kakain ka dahil
kailangan. At hindi mo
kinakain ang lahat ng pagkain na ihain sa iyo.
Pag
di ka gutom, di ka kakain. Pag di mo gusto yung pagkain,
di mo
gagalawin. Ang aso, pag may nakitang pagkain
diyan, walang
tanung-tanong. Lalamon ‘yan.

YUMI And sex is the same?

JIGS
Lahat ng bagay, nilalagay sa lugar. May context. At
least, yun ang
nagpaiba sa atin sa aso.

YUMI Grabe ka namang magsalita. Para mo
na ring sinabing
lahat ng nakikipagsex, aso ah!

JIGS Sinasabi
ko lang, pag wala sa tamang konteksto,
mali.

YUMI And what is
that context?

JIGS Matanda na tayo. Ayokong maging preachy. Alam
na
natin yan.

Tahimik.

JIGS Kaso, kahit alam na natin,
minsan di pa rin natin
ginagawa.

Tahimik.

JIGS Masarap
e. Sino ba? ng ayaw nun?

Tahimik.

YUMI (Medyo nairita) So
feeling mo santo ka at dapat
kang i-congratulate for being a virgin!

JIGS
Sinasabi ko lang ang pinaniniwalaan ko. Ineexplain
ko lang kung
bakit di ko ginagawa. May kanya-kanya
tayong dahilan. Di ko pinipilit
kahit kanino ang mga
paniniwala ko…No need to get so cross about it,

Yumi.

Tahimik.

JIGS
It’s not about being a virgin or not. It’s about
putting things into
their proper places.

YUMI I‘m not arguing with you.

JIGS
Me neither. I‘m just answering your questions.

Matagal na
katahimikan.

Ngingiti si Jigs.

Titignan niya si Yumi na
medyo nairita sa nakaraang
train of conversation nila. Magsasalin
siya ng wine
para kay Yumi.

JIGS Nasobrahan ka na yata sa wine
e. (Tatawa) You still
wanna go on with the game? Nine pa lang tayo,
eleven more
to go. (Ngingiti)

YUMI Shoot me.

JIGS Who
was your first lay?

YUMI (Hahampasin ng unan si Jigs) Ang bastos
mo talaga! So
ina-assume mo na hindi na ako virgin?

JIGS E
sabi mo kasi, walang thrill ang game pag walang
nananalo e. So I
guess I‘m winning. Saka wala naman
akong inimply na ganun a! I‘m just
hitting two birds with
one stone. Kasi kung virgin ka, e di simple
lang ang sagot:
wala. Kung hindi naman, e di sino?

YUMI Ang
daya mo.

JIGS Akala ko ba ayaw mo ng korning tanong.

YUMI
You think I‘ll answer that after giving your sermon,
Father Jigs?

JIGS
Ano ka ba? Inexplain ko lang yung personal reasons ko.
Kung ano man
ang sa iyo, I‘ll respect them as well as I
know you respect mine. I‘m
no saint. I‘m just trying to
get to know you better. (Ngingiti)

YUMI
How do you do that?

JIGS Alin?

YUMI I should have walked
out on you kanina pa pero the way
you say things…parang bumabaliktad
sa ‘yo…makes you
more…charming. Kung ibang tao ka siguro, di na kita
kakausapin.

JIGS
You can‘t walk out. We‘re locked here for three days
except for
meals.

YUMI So I‘m forced to like you para di masira ang vacation
ko.(Ngingiti)

JIGS
You don‘t have to answer my question if you don‘t
want.

YUMI I
guess I‘ll be honest with you as you were honest
with me…

Tahimik.
Iinom ng wine si Yumi.

YUMI Di mo siya kilala. His name was
Robert. He was my
first boyfriend. It was Senior Prom Night. Alam mo
na…typical
senior prom story. Everyone wants to lose it
on prom night. Everyone
thinks na pag prom night, it
was something special. We went out sa
hall nang maaga. We
made out sa kotse niya. One thing led to the
other.
Tapos, yun…yun na. We went back just in time for the
awarding
of the prom queen.

Guess what, I won pa.
(Mahinang tawa)

JIGS
What was it like?

YUMI Now that I look back, it isn‘t as special
as I thought
it was. Pero it was different then. Back then, we were
just
led by our passions. Alam mo yon? Andun ka na. Hormones
raging
wild. Passions and Ideals are confused.

Akala mo love, yun pala,
curious ka lang pala. Akala mo
yun na yon. Akala mo you are in-love
at lahat ng gawin
mo tama. Lahat ng gawin mo perfect.

Everything
was magical…well, almost.

JIGS Almost…?

YUMI Sa next
question mo na ‘yan. Ako na.

JIGS (Pabiro) Wine pa? Kulang ka pa
yata e.

YUMI Nilalasing mo ko no? May balak ka sa? kin no?
(Tatawa)

JIGS
Is that your question? Sasagutin ko na.
(Tatawa)

YUMI Engot.
Hindi ‘yon. Here’s something na curious
lang ako. Kasi I‘ve been
hearing things…saka you‘ve
hinted on it na rin kanina…Are you still
with Krissy?

JIGS Hindi na.

YUMI Since when?

JIGS
Two, maybe three weeks ago?

YUMI Sino‘ng nakipag-break?

JIGS
Pareho kami.

YUMI Why?

JIGS Maraming dahilan, actually.
Naisip na lang namin na
it won‘t work. Isa na do‘n, magkaiba kami ng
gustong
mangyari sa buhay. Magkaiba kami ng mga pinaniniwalaan.

YUMI
Like what?

JIGS Marami.

YUMI At ngayon mo lang nalaman
iyon after two years
with her?

JIGS People change, Yumi.

Tahimik.

JIGS
Right before graduation, she asked me to move in
with her.

YUMI
Talaga?

JIGS Sabi niya, doon na naman din daw papunta ang
relasyon
namin. Might as well practice na raw for the real thing.
Tutal,
she’s working na naman,ako naman bagong graduate,
we should try out
na raw living together if it‘ll work
for us.

YUMI Natakot ka
sa arrangement?

JIGS Hindi naman sa natakot. If you love someone,
ano
pa‘ng ikakatakot mo, di ba?

YUMI E bakit umayaw ka?

JIGS
It’s just that, It’s not my thing.

YUMI Sabi na nga ba e, bakla
ka no? Sinasayang mo ang
opportunities!
(Matatawa)

JIGS
Hindi ako oportunista. At lalong hindi ako bakla.

YUMI Fine.

JIGS
Naisip ko lang na hindi pa pala ako handa sa mga
ganitong bagay.
Wala pa sa isip ko ang gano‘n. Na-shock
siguro ako sa reality na iyon
na nga ang next step
sa relationship namin. I mean, two years of
being
together and knowing each other, we‘re practically
ready to
get married, if you know what I mean. Pero I
realized, I‘m not ready
for any of these. Narealize
ko how immature I am. Na iba yung ideals
ko two years
ago sa ideals ko ngayon.

I need to mature some
more to get into this thing I mean,
getting married. Diyos ko, ilang
taon lang ba ako…

YUMI Maturity has nothing to do with age.

JIGS
But it has a lot to do with time.

Tahimik.

JIGS So I
thought, bakit kailangan ng practice mode? Ibig
sabihin, pag sumablay
kami, split na kami? Live like a
couple minus the commitment?

Pa‘no
pag nawala na yung magic? Goodbye na?

Iinom ng wine si Jigs.

JIGS
Kung kasal na, kasal na. Wala nang practice. I think
that’s the real
cowardice. Yung i-try muna natin kung
it will work kasi takot kayo
na baka hindi maging
successful ang outcome. Saan na napunta ang
excitement
ng buhay? Kaya nga kayo in-love, para sabay kayong humarap
sa
totoong buhay, sa hirap at ginahawa, di ba? (Matatawa)
Hindi yung
pagpapraktisan muna ninyo para siguradong ginhawa
lang.

Magkikibit-balikat
lang si Jigs.

YUMI Are you always like that?

JIGS Like
what?

YUMI So cerebral in everything. Kahit pagdating sa
relationships.

JIGS
Life is too precious para lang daanin sa trial and
error.

Ngingiti
si Jigs. Tahimik.

YUMI So, No hard feelings?

JIGS Friends
pa rin kami. She still calls me up nga sa
bahay e.

YUMI
That’s nice.

JIGS Kayo, bakit kayo nagbreak ni Carlo?

YUMI
That’s your sixth na ha?

JIGS Sure.

YUMI Alam mo, ironic
para sa akin yung break-up namin
ni Carlo. And the funny thing was,
it was about…sex.
Uy, sa atin lang ito ha?

JIGS Of course.

YUMI
Kasi nga, I was looking for that magic nga di ba?
I wanted to be in a
relationship na special naman. So
of all the boyfriends I had, sa
kanya lang ako walang
sexual relationship. As in nag-aabstain talaga
ako.
Kasi parang naisip ko, para magkaroon naman ng meaning
yung
“making love” di ba? Parang, dapat di mo parating
ginagawa, at
ginagawa mo lang when you are sincere with
yourself and with your
partner.

So I was investing muna emotionally. And I was actually
starting
to care about him. Yung, hindi ko na iniisip
yung sarili ko. Yung
siya lang ang inaalala ko. Akala
ko perfect na…

JIGS Ano‘ng
nangyari?

YUMI Patunayan ko raw na mahal ko siya. Magbigay daw
ako
ng proof. Pagbigyan ko raw siya. Sabi ko sa kanya,
hindi pa ba
sapat na proof ‘yon? Na I‘m saving myself
for that right moment,
that special moment between
us? Alam mo‘ng ginawa? Nilayasan ako!

JIGS
You deserve someone better.

YUMI Talaga!

YUMI Isipin mo,
kung kelan naman I grew tired of
meaningless sex, when I‘m looking
for the real thing,
saka naman mawawala. Ang ironic ng
buhay no?

JIGS
That’s the way we must learn.

YUMI Alam mo, kung tutuusin, never
ko pang na-experience
yung tunay na mag make-love. And I had to go
all through
those relationships para lang ma-realize yun. At least,
ngayon,
alam ko na ang hinahanap ko.

Iinom ng wine.

YUMI Ikaw ba,
importante sa ‘yo na virgin ang
mapapangasawa mo? How do you see
virginity ba?

JIGS Alam mo, di ko pa napag-isipan ‘yan. Pero now
that
you‘ve mentioned it…It doesn‘t matter kung
virgin ang mapangasawa ko
o hindi. Of course I
value virginity a lot. I treat it as the only
real
gift I could give to my wife to be. Imaginin mo na
lang di
ba, kung wife ko ang una ko.

It’s like the perfect wedding gift I
could give to her.
Pero kung siya hindi na virgin, I wouldn‘t care.
As
long as mahal ko siya. Kasi I don‘t expect her to give
me the
same gift. I don‘t do something because I expect
people to do the
same to me. Ibigay niya sa akin ang
sarili niya nang buong-buo, sapat
na sa akin ‘yon.
Masaya na ako sa ganoon.

YUMI (Mapapangiti
si Yumi.) You know, that’s the nicest
thing I ever heard from a guy.
That’s why I always
enjoy talking to you. You always say the nicest
things.

JIGS Wow. Salamat. E ikaw, is making love to you equal
to
love?

YUMI I always took sex and love as opposite ideas. I
mean,
after the first time na…you know…sa Senior
prom. Kasi afterwards, we
broke up na ni Robert. Tapos
naisip ko, yun na ba yung love? Baka
hindi love yung
naramdaman ko. Baka napagkamalan ko lang siyang love.
I
was just after the pleasure of intimacy. And then
I felt empty. So
empty. That’s why I wanted to change.
I wanted to believe in “making
love.” And I‘m still
looking for it.

Yung magic. Yung feeling
mo, tao ka pala. I never felt
that kahit isang beses. Men have
penetrated my body
but never my soul. And I wanted that. I wanted
someone
to touch my soul. To “make love” to my soul through
my
body. Pero siguro, naging numb na ‘ko sa dami ng
relasyong
pinagdaanan ko. Hindi ko alam kung mararanasan
ko pa iyon. That’s why
I envy you.

Tahimik.

YUMI Sa tingin mo may pag-asa pa
ako?

JIGS You still have your soul…(Ngingiti)

Tahimik.

YUMI
With whom would you want to experience it?

JIGS Of course, sa
asawa ko.

YUMI I mean, someone in particular. Take it as my
seventh
question. So give a name.

JIGS A name? Hindi ko alam. Basta kung
sino ang magiging
asawa ko.

Tahimik. Magkikibit-balikat si
Yumi.
Iinom ng wine.

JIGS Well, I always thought na it was
Krissy. And then,
it was just gone. Of course I loved her. And I
still
do. Pero the magic was just gone after we both found out
na
magkaiba kami ng mga prinsipyo sa buhay.

Tahimik.

JIGS My
turn?

YUMI Shoot me.

JIGS Tell me something…a secret. Yung
wala kahit isang
nakakaalam.

Matagal na katahimikan.

JIGS
You trust me naman di ba?

YUMI Well, you‘ve earned it, alright.

JIGS
Saka wala akong tinatago sa ‘yo. Sinagot ko lahat
ng tanong mo as
honestly as I could. (Ngingiti)

YUMI I uhm…

JIGS Yes…?

YUMI
I need more wine.

Magsasalin si Jigs ng wine.

JIGS Take
your time. We have less than fifty hours to
go.

Iinom ng wine
si Yumi.

YUMI I‘ll tell you something no one in the world knows
except
one other person. And that person probably forgot
all about me
already.

JIGS (Pabiro) What? You had sex with a stranger?

YUMI
Ano ka ba?

JIGS Biro lang. Seryoso na.

YUMI Promise ha?
Hindi ito lalabas.

JIGS Promise.

YUMI If this goes out, I
will hunt you kahit sa libingan
mo. Huhukayin kita at papatayin kita
ulit.

JIGS Mamatay man ako ngayon.

YUMI Okay…(Pause) I…I
was with Joel then… (Magiging
mas seryoso ang tono niya) …and Zach. I
wasn‘t really
with Zach, I was just going out with him pag wala si
Joel,
alam mo na…making out and stuff…Well, anyway, I was
kinda
serious din naman with Joel that time. Joel and I
were…you know…doing
it. And…

JIGS And…?

YUMI Uhm…I…uhm…I got pregnant.

JIGS
What?

Tahimik. Iinom ng wine si Yumi.

YUMI I uhm…shit.
Hindi ko naman talaga ginusto e. Uhm…
Two months akong delayed…then I
took that test. I found
out na buntis nga ako…and Joel found out
about Zach
(maluha-luha na) and I didn‘t know what to say, you
know?
Maniniwala ba naman sa akin si Joel na naaliw
lang ako kay Zach? Na I
didn‘t really love him? Na wala
lang iyon? And so he broke up with
me and…I..uhm…
I was afraid and uhm…

(Magsisimula siyang
magbreak-down)

JIGS It’s okay…

YUMI I uhm…hindi ko na alam
ang gagawin ko, Joel left
me. I wanted to tell him about the baby to
make him
come back but I don‘t think he‘d believe me after the
thing
with Zach…and…my parents are gonna kill
me if…shit. (iiyak)

JIGS
(lalapit kay Yumi para i-console ito)
Ssshhh…you don‘t have to tell
me this if it upsets you…

YUMI And so I went to a
clinic…(hahagulgol) I didn‘t
mean to, Jiggs. I wasn‘t myself then.
And I felt so afraid.
So alone…

JIGS Tahan na. Ssshhh…

Iiyak
lang si Yumi kay Jigs. Yayakapin ni Jigs si
Yumi.

JIGS Alam
ba ‘to ni Joel?

YUMI How can I tell him? The only other person na
nakakaalam
ay yung duktor sa clinic. God…(iiyak) Oh God…

JIGS
It’s alright…

Hihimasin ni Jigs ang likod ni Yumi. Patatahanin
niya
ito. Matagal silang nakaganito lang. Matagal
na katahimikan.

YUMI
Can you get me my yosi?

Tatayo si Jigs. Pupunta sa may side
table sa tabi ng
kama. Kukunin ang yosi ni Yumi. Magsisindi siya ng
isa
at iaabot kay Yumi.

YUMI Thanks…

Matagal na
katahimikan.

YUMI If we were…if we were the last two people on
earth,
would you consider doing it with me?

JIGS Doing what?

YUMI
Alam mo na…

JIGS Alin? (Teasing ngingiti)

YUMI Gago mo.
(Ngingiti)

JIGS Ngumiti rin.

YUMI So? Would you?

JIGS
Alin nga? Di mo masabi no? Bakit di mo masabi? (Pagtatawanan
si
Yumi) Sabihin mo nga: Sex! Sex! Sex! Sex!

YUMI Shut up nga!

JIGS
That’s your eight na, ha?

YUMI I lost count. Answer it.

JIGS
Why not?

Hihithit ng yosi si Yumi. Tahimik. Sasandal si Yumi
sa
balikat ni Jigs.

JIGS If you could be something else, what would
you be?

YUMI I dunno…maybe a violin…yeah. Violin siguro.

JIGS
Bakit?

YUMI I always saw the relationship of a violin and its
player
as very intimate. Pag tumutugtog ang violinist,
ang nakikita ko at
naririnig ko, he strokes the soul of
the instrument and the
instrument penetrates the soul of
the player. Para silang nagmi-make
love. Di ba? Very sexy,
very intimate, very sublime. Di ba? Pareho
silang sincere
sa isa‘t isa.

Dahil kung hindi sila sincere,
walang music na mabubuo. The
violin surrenders her body to her
player, her whole body and
her whole soul, in full trust and
sincerity. Di ba, compared
to the sound of the other instruments, ang
tunog ng violin
parang isang naked woman? A naked woman in
surrender? I want
to be a violin. I want to be stroked in the soul. I
want
to make sincere music. I want to experience the sound of love.

Tahimik.

JIGS
Lalim nun ah. (Ngingiti)

YUMI Pa‘no mo malalamang in-love ka na?

JIGS
Paano? I don‘t think there’s a formula to that.
Basta malalaman mo
na lang. I mean, ilang beses lang ba
nangyari sa akin ‘yon? I‘d like
to believe na yun na nga
‘yon…yung kay Krissy…

YUMI Kwento mo
nga…paano mo narealize dati na mahal mo
nga si Krissy?

JIGS
Alam mo nakakatawa…korni actually. Babalik na
naman ako sa pagiging
korni nito e. Di ba ayaw mo
sa korni.

YUMI Sige na. Hindi na
kita aasarin.

JIGS I heard bells.

YUMI Ano?

JIGS
Seryoso. Bigla na lang, habang nag-uusap kami, may
narinig na lang
akong bells, tapos music. Ewan ko kung
iniimagine ko lang ‘yon pero
yun ang nangyari. Nakakatawa
nga e. Parang kanta ng Beatles.

YUMI
Seryoso ka ba?

JIGS O baka naman nagkataon noong oras na yon,
may
nagkakantahan sa kung saan sa school. Basta may narinig
akong
bells. Tapos napangiti ako.

Pagtingin ko sa mata niya, iba na ang
nakikita ko. Hindi ko
na siya nakita as kabarkada lang. Biglang
parang may magic.
Hindi ko ma-explain. Baduy pero ganun. Tapos I just
seized
the moment. Umamin ako. A week later, kami na.

YUMI
Korni nga. (Matatawa)

JIGS Korni talagang pakinggan. Pero pag
nandun ka na. Pag
naranasan mo na, feeling mo, hindi na korni.

Ngingiti
si Yumi. Tahimik.

YUMI Alam mo, may times na parang tunog violin
ang boses mo.
O lasing lang ako?

Tahimik.

JIGS I‘m
into my last question.

Iaangat ni Yumi ang ulo niya.

YUMI
Shoot me. Better make it good.

JIGS If you were again to be the
next victim of this
tradition, if you were to be locked up in this
room again…
who would you want the next guy to be?

YUMI
(Mag-iisip) I want someone whom I could talk to…
Yung makukwentuhan
ko ng mga sikreto ko. Yung may sense
makipag-usap. Yung may laman.
The violin player who‘d
stroke my strings…not even. Yung mapapatunog
niya
ang strings ko without even touching them. (Tahimik)
Lumuluwag
na ang dila ko…kung anu-ano na ang nasasabi
ko. (Ngingiti)

Tititigan
lang ni Jigs si Yumi. Tahimik.

YUMI Siyempre yung masarap
kausap.

Tahimik. Hindi makatingin si Yumi.

YUMI Yung kahit
habambuhay wala kaming gawin kundi mag-usap…
I think It’s better
than making love.

Mapapatingin si Yumi kay Jigs.

YUMI Gosh
I want to kiss you so badly.

Matitigilan siya.

YUMI I
can‘t believe I just said that.

Tahimik. Titignan niya ulit si
Jigs.

YUMI don‘t you want to kiss me?

Pause. Titignan siya
ni Jigs sa mata.

JIGS Is that your last question? (Ngingiti si
Jigs)

YUMI
Yes.

DILIM
avatar
Clinton
Admin

Posts : 12
Points : 18
Join date : 2008-04-12

Character sheet
Snake And Ladder: Snake And Ladder

View user profile http://rsu-shs.forum.st

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum